Heartbreak Warfare: Future Love

“I’m gonna know your name, it’s like I waited for you forever. I know this might sound insane, but it won’t be long ’til we’re gonna take this up. I’m talking about our future love.”

(Mas masarap magbasa at magsulat ‘pag first language yung gamit. Tsaka parang mas galing sa puso. Wikang Filipino na lagi kong gagamitin pagka ganitong mga tipo ang isusulat ko. Kaya ito, wag nang kumontra.ü)

Kung sino ka man, para sa’yo ‘to:

Kay tagal na kitang hinihintay, nasaan ka na ba? Ang tagal mo naman ata? Buti nalang hindi ako mainipin. Di bale, pag andito ka na, sasaya na ko, sasaya tayo. Alam mo, may aaminin ako sa’yo, hindi pa lubusang naghihilom ang mga sugat ng aking kahapon. Oo, masakit pa rin para sa akin. Pero wag kang mag-alala, malapit na, andyan na ako. Kaunting panahon pa para sa akin. May tinatapos lang ako ngayon. At pag natapos ko na ito, masasabi ko na sigurong handa na ako ulit. Kaunting hintay nalang, darating rin tayo dyan.

Alam mo, maaaring hindi ko maibigay sa’yo lahat ng kaya kong gawin, yung best ko. Tingin ko kasi pagdating sa ganito, naubos ako, naibigay at nagawa ko na ata lahat para dun sa nakaraan ko. Swerte niya. Pero wag kang mag-alala, alam mo bang mas swerte ka? Kasi marami na kong natutunan mula sa kahapon. Masasabi kong mas okay ako ngayon kumpara sa kahapon. Hindi ko man maibigay sa’yo kaagad lahat ng kaya ko, tiwala lang. Paunti-unti, darating rin tayo dyan. Patience lang talaga, di naman natin kailangang magmadali di ba?

Ang daming nagtanong sa akin nito: “Sobrang tagal na nyan aa, grabe. Tingin mo, kaya mo pa bang magmahal ulit ng iba?” Napaisip ako.. Oo, mahirap sagutin ‘to para sa akin. Kasi nga, sobrang tagal at talaga namang naging parte na ng buhay ko. At ang naisagot ko na lamang sakanila: “Oo siguro, malay niyo, tignan natin.” Syempre mahirap kasi di ko naman malalaman kung di ka pa dumarating di ba? San ka na ba kasi? Di kita mahanap. Ang bulag ko pa naman. Hahaha! Pero tiwala nga lang kasi, oo yan. :)

At isa pa nga pala. Sana huwag kang magseselos kung makita mong malapit pa rin kami sa isa’t-isa nung nakaraan ko. Di ko kasi talaga kayang mawala siya sa akin e. Magiging magbestfriends kami, ha? Kasi di ako titigil hangga’t di nangyayari yun. Wag kang mag-alala, hanggang dun nalang yun, di tulad ng iniisip mo. Bakit? Kasi andyan ka na e. Uyy, ngingiti na yan! Kaya wag po akong papiliin. Mahal ko kayong dalawa. :)

O siya, hanggang dito na lamang. Good luck sa’yo, sana makita mo na ko. ;)

2 responses to “Heartbreak Warfare: Future Love

Say something..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s