Heartbreak Warfare: Turning Point

“We must embrace pain and burn it as fuel for our journey.” 

Kailangan kong mailabas ‘to ngayon. Parang may kakaiba kasi e. Ang hirap ipaliwanang, kakaiba talaga sa pakiramdam. Kahit ako mismo, di masyadong makapaniwala. Tila parang may tumutulong sa akin. Kakaiba. Naintindihan niyo ba? Sigurado ako, hindi. (Hahaha)

Isang araw, nagising na lamang ako na parang wala na. Ibig kong sabihin, okay na, okay na ako bigla. (ang galing!) Tipong sobrang ang lapit ko na dun sa gusto kong marating. Malapit na ata akong matapos dun sa dapat na matagal nang tapos talaga. Alam kong nasa akin naman talaga ang problema. Problema na ayaw ko pang pakawalan ang nakaraan at pati na ang sarili ko. Masisisi niyo ba ako kung ganun talaga ako katagal bago makagalaw muli? Mahirap para sa akin yun lalo na sa sitwasyon nung huli. Alam niyo na.. Ayan ang hirap sa atin e. Bakit mas gusto nating pinahihirapan pa ang mga sarili kung pwede namang hindi.

Alam niyo, tanggap ko naman na e. Sa totoo lang, matagal na. Ewan ko ba kung bakit nagpapakabulok pa ko sa madilim na kulungang ito. Marahil hinihintay ko lang siguro na may sumundo sa akin. At ang malabo pa dyan e, ang hinihintay kong sumundo sa akin e yung nagpakulong din sa akin. Patay tayo dyan, napakalabo namang talaga..

Mabuti na lamang, andami kong napagtanto nitong mga nakaraang araw. Tila sinasagot ang aking mga panalangin. Pagkaharap sa salamin, sabi ko sarili ko, “Clang, okay ka na, napatunayan mo na sarili mo. Pwedeng sumaya, palayain mo lang yang sarili mo. Malaya ka na e, kung tutuusin, pahintulot mo nalang ang kailangan. Tulungan mo ang sarili mo.” (Oo, kinakausap ko sarili ko. Walang basagan ng trip. HAHAHA di po ako baliw. Subukan niyo minsan, malaking tulong yan promise! Wala nang iba pang makakatulong sa atin kundi mga sarili rin natin. Nasa pag-iisip lang talaga yan. Inuulit ko, hindi po ako nababaliw. HAHA)

Ngayon, mas naiintindihan ko na. Alam kong wala nang susundo sa akin. Matanda na ako, di na kailangang sunduin pa. Bakit ako pasusundo kung kaya ko namang lumabas mag-isa, di ba? Kaya ko, tiwala lang!

Alam niyo ba, napakaganda ng buhay. Ang swerte natin kasi isa tayo sa mga nabigyan ng pagkakataon para mabuhay dito sa mundong ibabaw. Kailangan lang talaga nating matuklasan at matutunan kung para saan at kanino ba talaga tayo. Hanapin natin kung ano ba talaga yung magpapasaya sa atin, at kung saan tayo makukuntento. Ako, unti-unti ko nang nahahanap ang kasiyahan ko pati na rin ang sarili ko. Mabubuo na kong muli. Kaunti nalang ang kulang..

Sa ngayon, alam niyo bang malapit na kong makalabas? Sobrang malapit na, andyan na ko. Isang kandado na lang siguro, makakalabas na ko sa kahapon. Pwede ko na atang sabihin na, “Handa na kong harapin ang panibagong buhay na naghihintay sa akin.” At dahil dyan, para ko naring sinabing, “Handa na kong magmahal muli.”

PS: Maraming salamat po sa pagdinig sa aking mga panalangin. Napakalaking bagay para akin. Alam Niyo po yan. Sobrang salamat po talaga. Tuluyan Niyo po sanang tanggalin ang lahat ng pait na nararamdaman ko at palitan ito ng pagtanggap at pagpapakakumbaba. Nawa’y huwag po Kayong magsasawa sa paghubog sa akin upang maging mas mabuting tao ako sa araw-araw. Maraming, maraming salamat po, Sir! IBA KA!

5 responses to “Heartbreak Warfare: Turning Point

Say something..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s